Ang pag-ibig ng Diyos sa tao.
Ang Kalikasan at ang banal na pahayag ay kapuwa nagpapatotoo sa pag-ibig ng Diyos. Ang Ama nating nasa langit ang siyang bukal ng buhay, ng karunungan, at ng kaligayahan. Masdan ninyo ang kahangahanga at maiinam na bagay ng kalikasan. Isip-isipin ninyo ang kataka-takang pagkakaangkop ng mga iyan sa mga pangangailangan at katuwaan, hindi lamang ng tao, kundi ng lahat ng nilalang na may buhay. Ang sinag ng araw at ang ulan, na nagpapagalak at nagpapaginhawa sa lupa, ang mga burol, dagat at kapatagan, ay pawang nagsasalita sa atin ng pag-ibig ng Lumalang. Ang Diyos ang nagbibigay ng mga kailangan ng lahat Niyang nilalang sa araw-araw. Narito ang maiinam na pangungusap ng mang-aawit: PK 9.1
“Ang mga mata ng lahat ay nangaghihintay sa Iyo; At Iyong ibinibigay sa kanila ang kanilang pagkain sa ukol na panahon. Iyong binubuksan ang Iyong kamay; at sinasapatan Mo ang nasa ng bawa’t bagay na may buhay.” Awit 145:15,16. PK 9.2 Ginawa ng Diyos ang tao na sakdal sa kabanalan at kasayahan; at ang magandang lupa, pagkapanggaling sa kamay ng Lumalang, ay walang bakas ng kasiraan o anino man ng sumpa. Ang pagsalansang sa kautusan ng Diyos—sa kautusan ng pag-ibig—ay siyang nagdala ng hinagpis at kamatayan. Gayon man, sa gitna ng kahirapang ibinunga ng kasalanan, ay inihahayag pa rin ang pag-ibig ng Diyos. Nasusulat na sinumpa ng Diyos ang lupa sa kapakanan ng Lao. Genesis 2:17. Ang tinik at ang da wag—mga kahirapan at mga pagsubok na siyang sanhi ng pagsusumakit at pag-aalaala sa buhay—ay itinakda sa kanyang ikabubuti, na pinaka isang bahagi ng pagsasanay na kailangan sa panukala ng Diyos, upang maiyangat siya mula sa kasiraan at pagkaaba na ginawa ng kasalanan. Nabulid man ang sanlibutan sa pagkakasala, ay hindi naman panay na kalungkutan at kahirapan ang lahat dito. Sa kalikasan na rin ay may mga pabalita ng pag-asa at aliw na buhat sa Diyos. Sa mga dawag ay may mga bulaklak, at ang mga tinik ay nangatatakpan ng mga rosas. Tayo’y natatali sa kanya. Itinali ng Diyos ang ating mga puso sa Kanya sa pamamagitan ng di-mabilang na mga tanda ng Kanyang pag-ibig sa langit at sa lupa. Sa pamamagitan ng mga bagay ng kalikasan, at ng pinakamataos at pinakamasarap na pagmamahalan dito sa lupa na maaaring sumilid sa puso ng mga tao ay sinikap Niyang pakilala sa atin. Subali’t ang mga ito’y di-ganap na naglalarawan ng Kanyang pag-ibig. Bagaman naibigay na ang lahat ng katunayang ito, ay binulag ng kaaway ng kabutihan ang mga pag-iisip ng mga tao, na anupa’t kinatakutan nila ang Diyos; ipinalagay na Siya’y mabagsik at hindi nagpapatawad. Hinila ni Satanas ang mga tao sa paniniwala na ang pangunang likas ng Diyos ay kabagsikan,—isang matigas na hukom, marahas at mahigpit na maniningil. Inilarawan niya ang Manglalalang na isang Diyos na laging nanunubok ng mga kamalian at pagkukulang ng mga tao, upang lapatan Niya sila ng mga hatol. Kaya nga, upang maalis ang maitim na sapot na ito, sa pamamagitan ng pagpapakita sa sanlibutan ng hindi matingkalang pagibig ng Diyos, ay naparito si Jesus upang tumahan sa gitna ng mga tao. PK 11.1 Bumaba ang Anak ng Diyos mula sa langit upang ipakilala ang Ama. “Walang taong nakakita kailan man sa Diyos; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala.” Juan 1:18. “Sino may hindi nakakilala sa Ama, kundi ang Anak, at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak.” Mateo 11:27. Nang hilingin ng isa sa mga alagad na: “Ipakita Mo sa amin ang Ama, ay tumugon si Jesus: “Malaon nang panahong ako’y inyong nakakasama, at hindi mo Ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa Akin ay nakakita sa Ama, bakit sinasabi mo: Ipakita Mo sa amin ang Ama?” Juan 14:8, 9. |
Ang diyos ay pag-ibig.
Sa bawa’t bulaklak na namumukadkad, at sa bawa’t talbus ng damong sumisibol ay nasusulat: “Ang Diyos ay Pag-ibig” 1 Juan 4:8. Ang mga ibong kaibig-ibig na nagpapasaya sa himpapawid ng kanilang awit; ang may magagandang kulay na bulaklak na nagpapabango sa simoy; ang matataas na punong-kahoy sa gubat pati ng kanilang luntiang mga dahon—lahat ng iyan ay nagpapatoo ng pagmamahal at pagkakalinga ng Ama nating Diyos at sa Kanyang pagnanais na paligayahin ang Kanyang mga anak. PK 10.1 Inihahayag ang likas ng Diyos ng Kanyang salita. Siya na rin ang nagpahayag ng Kanyang hindi masukat na pag-ibig at habag. Noong idalangin ni Moises: “Ipakita Mo sa akin ang Iyong kaluwalhatian,” ay tumugon ang Panginoon: “Aking papangyayarihin ang Aking buong kabutihan sa harap mo.” Exodo 33:18, 19. Ito ang Kanyang kaluwalhatian. Ang Panginoon ay nagdaan sa harapan ni Moises, at nagpahayag: “Ang Panginoon, ang Panginoong Diyos na puspos ng kahabagan at mapagkaloob, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kaawaan at katotohanan; na gumagamit ng kaawaan sa libu-libo, na nagpapatawad ng kasamaan, at ng pagsalansang.” Exodo 34:6, 7. Siya’y “banayad sa pagkagalit at sagana sa kagandahang-loob,” sapagka’t “Siya’y nalulugod sa kahabagan.” Jonas 4:2; Mikas 7:18. Ang pakay ni jesus. Nang ilarawan ni Jesus ang Kanyang pakay sa pagparito sa lupa, ay sinabi Niya: “Ako’y pinahiran Niya [ng Ama] upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha; Ako’y sinugo Niya upang pagalingin ang wasak na puso, at ipangaral sa mga bihag ang pagkaligtas, at sa mga bulag ang pagkakita, upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi.” Lukas 4:18, talatang Griego. Ito ang Kanyang gawain. Siya’y naglibot na gumagawa ng mabuti, at pinagagaling ang lahat ng pinahihirapan ni Satanas. May mga nayong hindi nagkaroon sa isa mang bahay ng daing ng maysakit; sapagka’t nagdaan Siya roon at pinagaling Niya ang lahat ng may karamdaman. Ang Kanyang ginawa ay nagpatunay na Siya’y pinahiran ng langis ng Diyos. Ang pag-ibig, habag, at pakikiramay ay nangahayag sa lahat Niyang ginawa; ang Kanyang puso ay may awang nakikiramay sa mga anak ng mga tao. Ibinihis Niya ang katutubo ng tao, upang madama Niya ang mga pangangailangan ng sangkatauhan. Ang pinakadukha at pinakamababa ay hindi nangilag na lumapit sa Kanya. Pati ng maliliit na bata ay naganyak na lumapit sa Kanya. Ibig nila ang sumampa sa Kanyang mga tuhod, at tumitig sa Kanyang mapag-isip na mukha, na nagliliwanag sa pag-ibig. Naparito siya upang tayo’y matubos. Upang tayo’y matubos ay nabuhay, nagbata at namatay si Kristo. Siya’y naging isang “Tao sa kapanglawan,” upang makabahagi tayo ng walang-hanggang katuwaan. Pinahintulutan ng Diyos na ang Kanyang sinisintang Anak, puspos ng biyaya at katotohanan, buhat sa isang sanlibutang hindi mailarawan ang kaluwalhatian, ay pumarito sa isang sanlibutang dinungisan ng kasalanan, at pinadilim ng kamatayan at ng sumpa. Pinahintulutan Niyang iwan ang sinapupunan ng Kanyang pag-ibig, ang pagsamba ng mga anghel, upang magbata ng kahihiyan, tuya, paghamak, poot, at kamatayan. “Ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa Kanya; at sa pamamagitn ng Kanyang mga latay ay nagsigaling tayo.” Isaias 53:5. Masdan ninyo Siya sa ilang, sa Getsemane, sa krus! Pinasan ng walang dungis na Anak ng Diyos ang bigat ng kasalanan. Siyang nakasama ng Ama ay nakaramdam sa Kanyang kaluluwa ng kakila-kilabot na pagkakahiwalay ng Diyos at ng tao, dahil sa gawa ng kasalanan. Ito ang naging dahil kung kaya namutawi sa Kanyang mga labi ang kalungkut-lungkol na panambitan: “Diyos Ko, Diyos Ko, bakit Mo Ako pinabayaan?” Mateo 27:46. Ang bigat ng kasalanan, ang pagkadama sa nakapangingilabot na kalakihan nito, at ang paghihiwalay na ginawa sa tao at sa Diyos—ito ang nagwindang sa puso ng Anak ng Diyos. |
Kailangan natin si kristo
Sa Pasimula ay binigyan ang tao ng marangal na mga kapangyarihan at timbang na pag-iisip. Sakdal siya sa pagkatao at kaayon ng Diyos. Ang kanyang mga iniisip ay malinis, ang kanyang mga layunin ay banal. Datapuwa’t dahil sa pagsuway ay nabaligtad ang kanyang mga kapangyarihan, at kasakiman ang humalili sa pag-ibig. Malaki ang inihina ng kanyang pagkatao dahil sa kanyang pagsalansang, na anupa’t sa sarili niyang lakas ay hindi niya mapaglabanan ang kapangyarihan ng diyablo. Siya’y nabihag ni Satanas at mananatili sanang gayon magpakailan man, kung hindi namagitan ang Diyos. Layunin ng manunukso na baligtarin ang panukala ng Diyos sa pagkalalang sa tao, at punuin ang lupa ng kadalamhatian at kasiraan. At itinuturo niya na ang lahat ng kasamaang ito ay bunga ng pagkalalang ng Diyos sa tao. PK 21.1
Noong hindi pa nagkakasala ang tao, ay maligaya siyang nakikipag-usap sa Kanya na “kinatataguan ng lahat ng kayamanan, ng karunungan at ng kaalaman.” Colosas 2:3. Datapuwa’t nang siya’y magkasala na, ay hindi na siya nakasumpong ng ligaya sa kabanalan, at sinikap niyang magkubli mula sa harapan ng Diyos. Ganiyan pa hanggang ngayon ang kalagayan ng pusong hindi nababago. Hindi kaayon ng Diyos at hindi nakakasumpong ng kaligayahan sa pakikipagsanggunian sa Kanya. Ang makasalanan ay hindi sasaya sa harapan ng Diyos; iilag siya upang huwag makasama ng mga banal na anghel. Kung pahihintulutan siyang pumasok sa langit, ang langit ay walang maidudulot na kaligayahan sa kanya. Ang diwa ng di-sakim na pagibig na roo’y naghahari—na ang bawa’t puso ay tumutugon sa puso ng Walang-hanggang Pag-ibig—ay walang masasagid na tumutugong kuwerdas sa kanyang kaluluwa. Ang pag-iisip, ang interes, at ang mga layunin niya, ay magiging ibang-iba sa diwa ng mga tumatahan doong walang kasalanan. Siya’y magiging isang tinig na sisira sa matamis na himig ng sangkalangitan. Sa ganang kanya, ang langit ay magiging isang pook na pahirapan; iibigin niyang makubli mula sa Kanya na siyang liwanag doon, at panggitna ng kagalakan. Hindi ang makaharing pasiya ng Diyos ang naghihiwalay sa mga makasalanan sa langit; sila’y nangapalabas dahil din sa hindi nila pagkakaangkop doon. Sa kanila ay magiging isang apoy na namumugnaw ang kaluwalhatian ng Diyos. Mamasarapin pa nila ang kapahamakan mangakubli lamang sila sa mukha Niya na namatay upang sila’y matubos. |
Hindi natin maililigtas ang sarili.
Kung sa ating mga sarili lamang ay hindi tayo makakaahon sa balon ng kasalanang kinalulubugan natin. Masama ang ating mga puso, at hindi natin mababago. “Sinong makakakuha ng malinis na bagay sa marumi? Wala.” Job 14:4. “Ang kaisipan ng laman ay pakikipag-away laban sa Diyos,: sapagka’t hindi napasasaklaw sa kautusan ng Diyos, at sa katotohanan man ay hindi nga mangyari.” Roma 8:7 Ang pinag-aralan, ang kabihasnan, ang niloloob, at ang pagsisikap ng tao ay may kanya-kanyang kinauukulan, datapuwa’t sa pagahon sa kasalanan ay walang lakas ang lahat ng iyan. Mangyayaring magbunga ang mga iyan ng wastong kaugalian na pakitang tao, datapuwa’t hindi mababago ang puso; hindi malilinis ang mga bukal ng buhay. Kailangan munang magkaroon ng isang kapangyarihang gumagawa sa kalooban, isang bagong kabuhayang buhat sa itaas, bago maalis ang tao sa kasalanan at mailipat sa kabanalan. Ang kapangyarihang iyan ay si Kristo. Biyaya Niya lamang ang makabubuhay sa mga patay na sangkap ng kaluluwa, at makahahalina sa Diyos, sa kabanalan. |